top of page

Si Beanovelle Lunaire ay isang estudyante ng Harrison High na napabilang sa curriculum ng Special Arts Class (SAC). Siya�y isang matalino ngunit mas nais niyang ipursige ang kagustuhan na maging isang magaling na artist. May kakambal siyang lalake na ang pangalan ay Paulter Lunaire na napabilang naman sa curriculum ng Special Science and Technology Class (SSTC). Ngunit bago pa naging estudyante ng SAC si Beanovelle ay napabilang pa siya noon sa SSTC ngunit nagbago ang lahat �nang makilala niya ang isang lalake na naging inspirasyon niya sa larangan ng Fine Arts. Ngunit �nung siya�y lumipat na sa Special Arts Class Curriculum ay marami siyang pagsubok na kinakaharap lalong-lalo na sa kaniyang papa dahil sa matinding pagtutol nito sa kaniyang desisyon. Tunghayan ang naging karanasan niya sa mundo ng Harrison High at kung paano siya naging matagumpay sa pinili niyang larangan. Marami man siyang kinakaharap na mga pagsubok ngunit ang tiwala�y nasa puso na sinuman ay walang makakapigil sa larangan ng pangarap.

A Passion for Passion - Dust Jacket

SKU: DJAG15083502
$27.00Price
  • Selena Ailuro
bottom of page