top of page
Seryosong pinag-uusapan nila Dra. Roce at Dra. Jessica ang tungkol sa kakayahan ng 26years old Cardiologist na si Dra. Jessica na makita ang anghel ng kamtayan na siyang sumusundo sa mga taong tinakasan na ng kanilang espiritu. Hanggang sa maalala ng doktora ang nangyari sa kaniyang nakababatang kapatid na si Irene na namatay sa sakit na cancer ngunit wala man lang siyang nagawa noon upang mailigtas ito. Ilang araw pa ang lumipas, magko-kros ang landas nila ng binatang negosiyante na si Dreycon sa isang convienced store. Kung saan mala-love at first sight sa kaniya ang binata. 
Abala si Dra. Jessica sa pag round-to-round check up sa ibang pasiyente sa Hospital nang isugod doon ang binatang si Dreycon matapos na mawalan ng malay ayon sa Lola nito. Nang araw din na iyon, napag alaman na may malubhang sakit ang binata at bilang na lamang ang mga araw nito. Ibinuhos ni Dra. Jessica ang buong oras at atensiyon niya sa binata upang maalagaan ito at mabantayan mula sa posibilidad na kunin ito ng anghel ng kamatayan mula sa kaniya. 
Mula sa isang aksidente ay magigising si Dra. Jessica na nasa taon kung saan siya'y nag aaral pa lamang bilang doktor. Sa kabilang dako naman, madalas na ipinta ni Dreycon ang larawan ng isang babae na madalas niyang nakikita sa kaniyang panaginip. At sa lugar kung saan sila unang nagkita, muling magko-kros ang kanilang mga landas. Hindi rin nagtagal ay ikinasal ang dalawa ang bumuo ng masayang pamilya.

See Through It - Dust Jacket

SKU: DJAG15083168
$25.00Price
  • pinkishrose02
bottom of page