top of page
Kinasusuklaman ni Era o LE ang lahat ng mga lalaki labis ang pagkamuhi
niya sa mga ito dahil hindi niya makalimutan ang sakit na dinanas niya sa
huling lalaking minahal niya. Isang lalaki lang ang nanakit kay Era pero
para sa kanya pare parehas ang mga lalaki na sinungaling, walang isang
salita at paasa. Subalit pinagtagpo sila ng tadhana ni Draven, nabangga
nito ang sasakyan niya kaya nakilala niya ang binata. Ayaw nang makita
ni Era si Draven dahil tuwing nakikita niya ang lalaki minamalas siya
ngunit mapaglaro ang tadhana sapagkat muling nagkrus ang landas
nilang dalawa sa Palawan. Palaging sinusundan ni Draven ang dalaga,
kung saan pumunta si Era nandoon din ang binata. Ayaw mapalapit ni
Era sa binata ngunit pilit pa rin lumalapit si Draven kay Era kahit ilang
beses niya pa ito sapakin tinitiis nito makalapit lang sa kanya. Pagod
na siyang itaboy si Draven, hindi niya akalain na makakatagpo siya ng
lalaking sobrang kulit. Hindi na alam ni Era kung ano ang dapat niyang
gawin para tumigil na kakasunod sa kanya si Draven dahil sumasakit na
ang ulo niya sa lalaki. Hinayaan na lang ni Era si Draven hanggang sa
nagising na lang siya na ayaw niya ng sungitan ang binata, hindi niya na
rin magawang magalit sa lalaki. Hindi alam ni Era kung ano ba talaga
ang nararamdaman niya sa binata. Masaya na sana si Era kay Draven
subalit nakita niyang muli si Chuck ang lalaking minahal niya ng lubos,
ang taong nanakit sa kanya.

Billionaire Destiny Series 1: Draven Garth - Dust Jacket

SKU: DJAG15082595
$29.00Price
  • Vans Era
bottom of page