top of page
Siya si Lexie Mazelle Tiangco, isang simpleng gurong babae na ang nais lang ay tahimik na buhay at magturo sa mga bata. Hindi niya aakalaing dahil lang sa isang gabing pakakamali ay may mabubuo sa kaniyang sinapupunan. Nagkayayaan lang naman sila ng kaniyang mga kaibiganna uminom sa isang bar at pagkagising niya kinaumagahan ay may katabi na siya na isang guwapong lalaki. Ang lalaking magpapabago ng kaniyang buhay.
     Siya si Vhiel Adriel Ferrer, isang negosyanteng lalaki. Seryoso lang ito sa buhay at malamig sa ibang tao. Wala sa bukabolaryo niya ang salitang saya at ngiti.
     Hindi nagtagal ay nagpakasal silang dalawa upang mabigyan ng kompletong pamilya ang kanilang magiging anak. Matapos ang ilang buwan ay pareho silang nahulog sa isa't isa. Naging masaya silang dalawa nang nagmamahalan ngunit hindi rin ito nagtagal sapagkat may babaeng sumira sa kanilang dalawa. Siya si Cheisca, isang babaeng baliw ma baliw kay Vhiel. Ipinagtapat ni Cheisca kay Lexie kung ano ang nangyari, sinabi nitong nirape siya ni Vhiel upang punan ang pangangailangan nito noong gabing may nangyari sa kanila. Sinabi rin nito na plinano ni Vhiel na buntisin siya. Doon tuluyang  nasira ang samahan sa pagitan ng mag-asawa, hiniwalayan ni Lexie si Vhiel nang hindi pinapakinggan ang panig ng lalaki.
    Lumipas ang limang na taon at malalaki na ang mga anak ni Lexie at Vhiel. Ito ay sina Thunder Razelle at   Storm Jazelle. Nagdesisyon si Lexie na bumalik ng Pilipinas upang tapusin ang namamagitan sa kanila ni Vhiel, kasal pa rin kasi siya sa lalaki at gusto niya nang makipaghiwalay dito. Hindi naging madali kay Lexie na pilitin si Vhiel sa kaniyang nais lalo na nang makilala ni Vhiel ang kambal. Pursigido na ayusin ni Vhiel ang nasira nilang pamilya ngunit ayaw na talaga ni Lexie. Dumagdag pa rito ang katotohanang may boyfriend na si Lexie at kaya ito nakikipaghiwalay sa lalaki ay upang mapakasalan nito ang kaniyang bagong kasintahan.
     Ngunit hindi sumuko si Vhiel, ginawa niya ang lahat upang mabalik sa kaniya ang minamahal niya at hindi naman nabigo. Muling bumalik sa piling niya si Lexie Mazelle.

Ferrer Series #1: Best Mistake

SKU: 9789357701709
$16.00Price
  • Hazel Ann Lo (Hanse_Pen)
  • All items are non returnable and non refundable
bottom of page