top of page

8 Paraan Tungo sa Matagumpay na Book Launch

Isa sa mga pangarap ng mga manunulat ang mailimbag ang kanilang mga akda bilang isang libro, na maaaring isang paperback o hardbound. Dahil sa panahon ngayon isa na sa basehan upang matawag na isang awtor ang isang manunulat ay kung magawa niya itong maging libro. At ang isa pang maaaring mapagtagumpayan ng isang awtor ay paglalagay sa mga bookstore at magbigay daan upang lumawak ang kanyang audiences, na may iba’t ibang personalidad, perspektibo sa buhay at kagustuhan sa libro.

Ang mga book store ay isa sa tradisyunal na paraan upang ibenta ang isang libro na gawa ng isang awtor. At gamit na rin ang makabagong teknolohiya ginagamit na rin ang iba’t ibang Social Media Platforms kagaya ng Facebook, Twitter at Instagram upang doon ibahagi ang isang libro.

Ang mga publisher ang nangunguna sa pag-aaral kung saan ang tamang marketplace at gumawa ng mga contents upang mas maliwanag ang pagbabahagi sa libro ng isang awtor. Ilan na lamang dito ay ang paggawa ng mga blogs ukol sa awtor at sa kanyang libro. Dito pinakikilala ang awtor at kung anong inspirasyon nito sa pagsusulat ng kanyang libro. Kaya sa pamamagitan nito nabibigyan ng malawak na ideya ang mga mambabasa tungkol sa libro na kanilang bibilhin.

Sa pamamagitan ng interactive interviews na ginagawa sa mga Facebook Live ay mas nabibigyan kulay at mukha ang libro ng isang awtor, dahil hindi na lang din magbabasa ang mga nais bumili o curious sa libro. Maaari na rin silang sumama sa Facebook Live upang makilahok kagaya na lamang sa pagtatanong sa comment section at agarang mabibigyang sagot.

At sa pamamagitan naman ng websites na kung saan maaaring ibenta ang mga libro ng isang awtor. Nagkakaroon siya ng ideya ayon sa book reviews ng mga nakapagbasa na at mula na rin sa mga publisher. Nakakatulong ito upang magkaroon ang mga mamimili ayon sa karanasan nila hanbang binabasa ang libro at makahikayat na rin sa iba na may parehas na interes.

May ilan ding publisher na upang maging matagumpay ang book launch ng kanilang awtor ay nagbibigay sila ng mga giveaways kagaya ng freebies o discount coupon. Isa ito sa magandang estratehiya na ginagawa ng mga publisher dahil tinutulungan nila ang kanilang mamimili na suportahan ang kanilang mga awtor. At naglalayon na makapag-generate ng customer's back o loyalty.




At narito pa ang ilang paraan upang mas lalong maintindihan pa ang Walong Paraan Kung Paano ba Mapapapunta ang Aklat ng Isang Awtor sa Bookshelves ng Mamimili:


1. QUALITY CONTENTS AND BOOK DESIGN

Hindi na ito bago sa isang awtor dahil bago pa man ilimbag ang kanyang libro ay tinitiyak na ng mga Publication House o publisher na dumaan sa masusing pagsasaayos at paglilimbag ang libro nito. At pinag-aralan ng maayos ang pagbuo ng book design nito na unang nakikita ng mamimili. Isa ito sa magandang preparasyon upang maging banayad ang patakbo ng isang book launch activity.


2. ENGAGING AND TRENDY PUBLICATION MATERIALS (For e-Marketing & Promotional)

Isa sa pinaka epektibong ginagawa ng mga publisher ay ang pagbuo o pag-conceptualize ng gagamit sa marketing ng libro ng isang awtor. Maaaring binabase ng mga ito sa genre o tema ng libro ang binubuong publication materials. At nagiging epektibo ito dahil mas lalong nararamdaman ng mamili ang libro at nagkakaroon ng ideya sa nilalaman.

Kaya malaki ang maitutulong nito sa mga awtor na nagnanais na maglunsad ng isang book launch activity. Dahil hindi lang personal na social media accounts at pages ng awtor ang gumagalaw kung hindi pati na rin ang kanyang Publication House. At sa pamamagitan nito nahihikayat na bumili o dumalo sa isang book launching activity ang isang mamimili.


3. ESTABLISH MARKETPLACE

Sa ngayon hindi na lang lahat ang mga publisher ang nag-iisip kung saan matagumpay na ipagbibili ang libro ng isang awtor. Ang mga awtor na rin ay nagkakaroon ng inisyatibo upang mas mabilis na maging matagumpay ang pagbebenta ng kanyang libro dahil kilala nito ang kanyang target readers.

Ito ay maaaring sa mga mahilig sa hard copy na libro, audio book, e-Book at iba pa. At kung para sa mga ina, empleyado, estudyante o ibang uri ng mambabasa.


4. GIVE DISCOUNT COUPON AND GIVEAWAYS ON SOCIAL MEDIA

Kagaya sa iba’t ibang establisyemento kagaya ng restaurant, shoe shop o house depot. Isa rin sa epektibong ginagawa ng mga awtor at publisher ang pagbibigay ng discount coupon at giveaways kagaya ng Tote Bag, Leather Bookmarks, Cool Bookends at marami pang iba. Makakatulong ito upang makuha ang atensyon ng mamimili. At isa pa makakatulong upang lumawak ang marketing at promotional material ng isang awtor kagaya sa pag-share dito.


5. WRITE A MARKETING AND PROMOTIONAL BLOG

Ginagamit ng isang awtor o ng publisher ang kanilang mga Social Media accounts at websites. Sa pagpapakilala ng kanilang libro at sa pamamagitan nito mas lumalawak ang audiences ng awtor. Binibigyang importansya ang lawak ng social media. At sa pamamagitan ng 400-500 na bilang ng salita nakakahikayat na ang isang awtor.


6. USE THE REVIEW OF OTHERS TO YOUR BOOK

Huwag mahihiyang humingi ng book review sa mga taong malapit sa ‘yo o mga taong may pangalan na sa mundo ng pagsusulat. Dahil magagamit din ito sa matagumpay na book launching activity. Sa pamamagitan ng pagbabahagi sa iyong social media accounts.

Malaki ring adbentahe ang book review ng isang publisher dahil sila ang tiyak na nasa larangan ng pagsusulat at mas pinapakinggan sila.


7. FIND A PERFECT PLACE FOR YOUR BOOK LAUNCHING

Maaari ito sa mga eksklusibong restaurant, coffee shop at library space hall. Hindi dapat binabalewala ang pag-iisip ng tamang lokasyon dahil maaari itong makaapekto sa mga taong dadalo. Kagaya ng headcount nila baka hindi na sila kumasya sa venue. At kung masyadong malayo sa iyong mga target readers/buyers. At ang pinakamahalagang isipin ay kung pasok sa iyong badyet ang gagawing book launching activity pero ang mga publisher naman ay kalimitang sumusuporta sa kanilang mga awtor.


8. VIRTUAL BOOK LAUNCHING

Hindi na rin masama ngayon ang Virtual Book Launching dahil sa pandemyang nararanasan o kung ang iyong mga mambabasa o mamimili ay nasa iba’t ibang bansa. At ang pinaka magandang option d’yan ay ang pagdaraos sa mga Social Media platforms. Ito ay LIBRE na at hindi mo na nangangailangang lumabas ng bahay. Ang kailangan mo lang gagawin ay paghandaan ang book launching activity at ang malakas o maayos na internet connection.

Ang mga nabanggit kanina ay ilan lamang sa mga proseso upang matagumpay na ipamahagi ang paglabas ng isang libro na ginagawa ng mga publisher. At malaki ang maitutulong sa awtor dahil hindi na ganoong maglalaan ng mahabang panahon sa pamamahagi ng kanyang libro.

Kaya ang tamang pagpili ng isang Publication House kagaya ng Ukiyoto Publishing, na inaanalisa ang mga bagay-bagay kagaya ng kung saan ilalagay (marketplace) ang iyong libro eBook man o paperback/hardbound. Mga estratehiyang sa alang-alang kagaya ng paggawa ng mga blogs tungkol sa ‘yo at ang libro. At paggamit ng iba’t ibang social media platforms upang ipakilala ang libro ng isang awtor sa iba’t ibang uri ng tao lalo’t isang International Publication House ito. Hindi lang dapat piliin ng isang manunulat ang basta-bastang Publication House kung hindi ay ang talagang aalagaan at susuportahan ang book launching ng kanyang masterpiece.


Isinulat ni: John Albert Silva

Comments


bottom of page