Ang Agam ng Kahapon ay binubuo ng labing anim (16) na mga kuwentong ukol sa mga taong nagapi na nang tuluyan ng kabiguan, nagpasakop sa kamatayan, mga ninakaw ang katinuan na inilayo sa reyalidad, mga nawalan ng pagkakilanlan, mga inabuso, mga nagpapatuloy sa laban at mga naninindigan sa ngalan ng pag-ibig, katarungan at pag-asa. Inaalay ko ng buong puso ang librong ito sa mga nakalagpas na sa kahapon at sa mga kasalukuyan pang nagtatago sa kanilang mga anino, mga walang kakayahang gumapas sa pagkakabuhol ng lintana ng kahirapan at poot na sumasakop hindi lang sa ating kaluluwa kundi maging sa mga isipan ng nakakarami sa ating lipunan. Nawa?y sa pamamagitan ng librong ito ay siyang magpapakilala at magpapakita ng mga hindi nabibigyang atensiyon na mga mga istorya ng mga iilan. Yun ang pakay ng mga sinulat ko.
Agam ng Kahapon - Dust Jacket
Paperback