top of page
Matagal-tagal na ring namuhay ang may-akda sa ilalim ng anino ng kanyang mga santu-santuhan. Nakinig at naniwala sa kanilang mga mabubulaklak at matatamis na salita. Nagtampisaw sa putik na inakala niya�y biyaya. Nagpakapagod na tila kabayo upang mapaluguran lamang sila, upang makaamot ni isang pagkilala mula sa kanilang mga dila.
Ngunit ang lahat ng iyon ay may hangganan.
Sa panahon ng pandemya, kung kailan lahat ay tumila, natuklasan ng may-akda ang kanyang kakayahan at sa paligid ay nagmasid. Nahukay niya ang kanyang boses na matagal nang nakabaon, natutong pumalag sa tanikala ng bulag na pagtalima, at sa pamamagitan ng kanyang makulay na pluma, siya ay nag-umpisang makibaka. At doon isinilang ang kanyang suplementong Baboy Ko at Iba Pang Taludturang Kuwento.
Ang Baboy Ko at Iba Pang Taludturang Kuwento ay naglalaman ng mga mahahaba at maiikling tula na hinugot mula sa karanasan ng awtor bilang isang guro, asawa, at ina, mula sa pait at pighati na dinanas ng kanyang mga kaibigan, mula sa mga kamay na sumasakal sa mga ibong nais lumaya, mula sa mga outputs sa Graduate Diploma in Teaching the Arts na di niya sinama sa kanilang literary folio, mula sa mga kabiguang naramdaman niya sa sistema ng pulitika sa bansa � maliit man o malaki, at mula sa mga magagandang bagay na kanyang namamasdan sa kanilang munting barangay at sa patak ng makukulay na pintura. Bukod pa rito ay naglalaman din ito ng mga larawang iginuhit o ipininta ng may-akda, kasama ang isang tulang tahasang nailalahad ngunit isinulat niya sa Baybayin.
"Read at your own risk" ang kanyang panambitan, sapagkat ang mga laman ng suplementong ito ay walang preno at pakundangan; tamaan kung sinuman ang tatamaan. Kung hindi ka handa sa hagupit nang katotohanan, isara mo nalang at itapon sa basurahan.

Baboy Ko

SKU: 9789355976222
$9.00Price
  • Aliena
  • All items are non returnable and non refundable