top of page
Kilala bilang isang tanyag na modelo si Brazeal Inayica Viglianco. Camera, spotlight, at pagrampa, diyan umiikot ang kaniyang mundo simula noong maging isa siyang sikat na supermodel. 
Hinahangaan, ngunit kinaiinggitan at kinaiinisan din ng marami dahil sa kaniyang pagiging kakaiba. Sa kabila ng kaniyang kagandahang taglay ay tampulan siya ng panlalait dulot ng kaniyang sakit. Pero hindi siya nagpatalo, kaya ang sakit na ito ang naging daan upang mas lalo siyang mahalin ng mga taong nakapalibot sa kaniya sapagkat hindi lamang maganda si Brazeal, busilak din ang kaniyang kalooban. 
Hindi naging hadlang ang sakit niya, dahil pa rito ay mas lalo niyang minahal ang kaniyang sarili. Ang kaniyang pagiging modelo ang nagbuklod upang makilala ang lalaking bibihag ng kaniyang puso, ang nag-iisang si Taterson Lloyd Henris Lenegham. Hindi lamang siya naging isang hired model nito, nagkamabutihan pa silang dalawa.
Sa pagmamahalang magbubuklod sa kanilang puso, maraming mga problema ang darating. Kaya nga ba itong lampasan nina Brazeal at Tate, o isa itong mitya na magiging dahilan para ang kanilang inaakalang forever ay magwakas nang tuluyan?

Before the Night Ends - Dust Jacket

SKU: DJAG15083115
$21.00Price
  • Deyameeee
bottom of page