top of page

Ang matapang at palaban na si Ciarra Verdal ay mapapasok sa isang University kung saan nag-aaral ang mga estudyanteng mga anak ng mga gangsters at may koneksyon sa underworld society. Ang paaralang hindi dapat pasukan ng mga mahihinang estudyante. Sa unang araw pa lamang sa kanyang pagpasok sa University pansin niyang kakaiba ang tingin sa kanya ng mga estudyante. Iyon ay dahil kamukha niya at kapangalan pa ang ex-gf ng kanilang University�s gangster King na si Worst. And this ex-gf is the one who destroyed their family and the daughter of her father with his mistress.    

 

 At dahil kamukha niya ang ex-girlfriend na ito, aani siya ng mga hatred at guguluhin pa ng gangster King. Hanggang sa magbalik ang ex-girlfriend ni Worst na inaakala niyang matatapos na ang panggugulo ni Worst sa kanya, ngunit nagkakamali siya dahil ginamit siya ni Worst bilang kasangkapan para pagselosin ang ex-gf nito. Naging fake gf si Ciarra ni Worst kapalit ng malaking halaga na magdadala ng panganib sa buhay ng dalaga.  Takot siyang magtiwala at magmahal at higit sa lahat, ipinangangako niya sa sarili na hinding-hindi siya mahuhulog sa taong minsan ng na-link sa half-sister niya. Ngunit paano kung tuturuan siyang magmahal ng taong ex-girlfriend ng kanyang half-sister? Mauulit na ba ang sinapit ng mga magulang niya? Susunod ba siya sa yapak ng kanyang ina o Tita? Pipiliin ba niyang lumayo para maiwasan ang pagkaulit sa karanasang tinahak ng kanyang ina? O maghihiganti sa lahat ng nanakit sa kanila? Paano kung mahulog din siya kay Worst ngunit malalaman niyang may kinalaman ang pamilya ng binata sa pagkabuwag ng kanyang pamilya?

Cia, The Worst

SKU: JL07001
$15.00 Regular Price
$14.25Sale Price
  • Paperback

bottom of page