top of page
�Pangako, mamahalin kita higit pa sa pagmamahal mo.�  Mapanlinlang ang mundo at hindi lahat nang nakikita natin ay totoo. Sa buhay ni Zairah, dalawang magkaparehong mukha ang mamahalin ng kanyang puso.   Malalaman kaya niya ang mga sikretong nakakubli sa mukhang ito o hahayaan nalang niyang tadhana ang gumawa ng paraan upang malaman ang katotohanan?  Masaya ang pagsasama ng magkasintahang Zairah at Vic. Pagmamahal ang nagpapatibay sa kanilang relasyon subalit kinakailangang magbalat-kayo ni Vince, ang kakambal ni Vic bilang siya upang hindi ito iwan ng dalaga.   
Sa pagdaan ng mga buwan, mas lalong lumalalim ang samahan ng dalawa na magdudulot ng malaking problema.   Mapipigilan kaya ni Vince ang kanyang sarili na angkinin ang dalaga o tuluyang mahuhulog ang binata sa nobya ng kakambal niya?  Dalawang mukha at dalawang pagkatao.  Dalawang pangalan at dalawang buhay, subalit iisa lang ang babaeng naibigan.

Dalawang Mukha

SKU: 9789354909351
$14.00 Regular Price
$13.72Sale Price
  • Black Diamond
  • a. Items are non refundable and cannot be cancelled once order is placed.
bottom of page