top of page
Sa lahat ng ayaw ni Everleigh Perez ay ang madamay sa gulo, kahit sino o ano pa ito. Kahit na kinakainisan niya ang hari ng mga playboy ay mas gugustuhin niyang tumahimik sa isang tabi hanggat hindi siya naagrabyado.
Nagbago ang lahat ng isa sa mga kaibigan niya ang niloko. Hindi niya matanggap na patuloy ang panloloko ng mga playboy na �yun. Ano ba tingin nila sa mga babae? Laruan? Kapag ayaw na itatapon na lang at bibili ng bago? Gusto niyang mainis at ilabas ang galit na nararamdaman.
Nang sabihin nang isa sa mga kaibgan niya na gaganti sila ay walang pagdadalawang isip na sumang-ayon siya. Nawawala ang konsensya niya tuwing nakikita niya ang kaibigan na niloko at ang iba pa na nasasaktan. 
Pero nagulat na lamang siya nang sabihin ng mga kaibigan niya na siya ang gaganti pero hindi mismo sa nanloko kay Harper kundi sa hari ng mga playboy.
Natanto niya na gusto din niyang matapos ang paghihirap ng mga kababaihan.
Matatalo niya kaya ang isang notorious playboy? Kaya niya kayang hindi mahulog sa hari ng mga playboy na si.. Joziah Kyro Villanueva?
Sa huli, napasabi na lang siyang.. bahala na si Bat man.

I'm In Love With A Playboy

SKU: 9789354907258
$16.00Price
  • Inkaspiking
  • All items are non returnable and non refundable
bottom of page