top of page

Sabay-sabay ang problemang dumating sa buhay ni Attorney Rachel Magtanggol nang buksan niyang muli ang kaso ni Don Diego, ang mayaman at kinatatakutang drug lord ng Santa Isabel. Nalagay sa panganib ang buhay ng kanyang boyfriend na si Dante nang ito ay dukutin habang pinagbintangan naman siyang manananggal na naghahasik ng lagim sa syudad. Bumalik din ang isang panaginip na kinatatakutan niya noong bata pa siya.           

Habang tinutugis ng mga alagad ng batas at ng mga tauhan ni Don Diego,  babalikan niya ang kanyang nakaraan upang linisin ang kanyang pangalan, iligtas si Dante, alamin ang ibig sabihin ng kanyang panaginip, at tapusin ang kasamaan ni Don Diego. Magagawa lang niya ang mga ito kung matatanggap niya ang katotohanan sa likod ng kanyang nakaraan.

May Manananggol, May Manananggal: Ang Itim na Maskara - Dust Jacket

SKU: DJAG15084034
$17.00Price
  • Paperback

bottom of page