My Knight in Dirty Combat Shoes - Dust Jacket | Ukiyoto
top of page

Kung kayamanan, kagandahan, talino at kapangyarihan lang ang pag-uusapan sa katangian ng isang tao, lahat ito?y nakuha na ni Carina. Makapangyarihan ang pinagmulan niyang pamilya dahil siya lang ang nag-iisang anak ng gobernador ng kanilang lalawigan. Lahat ng materyal na bagay ay nahahawakan niya sa isang iglap lang. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya nang walang kahirap-hirap. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi pa rin siya masaya dahil sa isang bagay na hindi niya lubusang makamit: Ang kalayaan. Dahil anak ng gobernador, hindi niya nagagawa ang mga bagay na nagagawa ng ibang normal na tao. Si Jose ay isang magiting na sundalo na walang ibang hinangad kundi protektahan at makamit ang kalayaan ng bansang minamahal. Ang prinsipyo ang naging sandata niya upang lumaban sa buhay. Ngunit hindi lingid sa kanyang kaalaman, ang prinsipyong ito ang magiging tulay upang makilala ang babaeng makapagpapabago ng kanyang buhay.

My Knight in Dirty Combat Shoes - Dust Jacket

SKU: DJAG15084083
$15.00Price
  • Paperback

Choose Store Currency

bottom of page