Nahahati ang obrang ito sa pitong kapitulo o tsapter. Signipikante para sa akin ang pito na aking hinalaw sa Banal Na Aklat kung saan namaksimisa ng mga propeta ang numerong pito mula Henesis, sakramento, misteryo, at maging sa Pahayag ay naging madiin ang papel ng numerong pito. Sa Dila, Makata, at Sarili, sentral na paksa ng mga tula ang wika/ berbo bilang kasangkapan sa pag-abot sa kaakuhan ng bayan, makata, sarili, at vice versa. Sa Para-Tula, Taon, at Mujer nama?y paglabas ng naunang tatlo sa kanilang tapayan at nakagawiang kumbensyon, moral, at ang pilit iniiwasang erotisismo. Habang sa Signos, at Karnal, Kanal, Banal ay radikal na pagpihit mula sa nakagisnan at kumbensyunal na pag-unawa sa panahon, signos, propesiya, at relihyon. Sa ganang akin, ito na ang aking poetika at politika bilang nagsusulat at nagtutula na nakilala sa panulaang berso libre na kalakha?y prosa at eksperimental. Ito rin ay isang porma ng pagtugon at pagtataguyod sa librong isinulat ni Dr. Rolando Tolentino at Dr. Bienvenido Lumbera. Malinaw ang korelasyon ng akin sa kanila, at sa pagpapasubaling nais naming ihapag sa mga pormalistang hindi nga naman talaga maihihiwalay ang poetika at politika. At heto?t pinagsama ko pa nga sila. At ngayon nga?y sinusukat ng mundong maligalig ang bawat mayhawak ng pluma na nagtatangkang isiping ito sa papel. Kung gayo?y mainam na balikan ang winika ni Amado Hernandez hinggil sa makatang si Negrasov na ??Malamang ay ibigin pa nitong nihilista at batikang makata na kumain ng isang putol na keso kaysa sa tula ni Alexander Pushkin!?
PO(E)(LI)TIKA - Dust Jacket
Paperback