top of page
Pinagtitipon ng koleksiyong Salat at Iba Pang Kuwento ng mga Pagkapa sa Dilim ang limang maikling kuwentong kumapa at bumuo ng akdang humango ng dilim at liwanag sa mga personal na naratibo ng mga kasama sa loob ng komunidad ng LGBTQIA+ partikular na sa mga bakla bilang lunsaran ng kamalayan sa diskriminasyon at karahasang kinahaharap ng mga effeminate gay sa porma ng pagsalat habang sumasalat din ng liwanag sa pagpoposisyon ng sarili sa lipunan. Sa paggamit sa magkakaibang anyo ng piksiyon tulad ng romansa, erotika, reyalismo, at eksperimental, ay nakapaghatid ng mga kuwento ng pagbawi, paggiit, pagbabalik, at paglaya bilang manipestasyon ng matagumpay na pagbalikwas sa mahabang panahong pag-iral ng panliligalig at pagiging biktima ng mga karakter sa mga kuwentong LGBTQIA+.
Sa pamamagitan ng pananaliksik sa magkakaibang hanay na kinapapalooban ng mga effeminate gay, pagsali sa mga kolektib na nakatuon sa pinapaksang komunidad, at personal o kaswal na pakikipag-usap sa mga kagaya ring fem gay, napatunayang masalimuot ang buhay ng isang bakla at totoong kalimitang biktima rito ang mga effeminate gay. Itinatakda ng macho-pyudalismong lipunan ang dominasyon ng heteroseksismo at homopobikong kamalayan, na hindi sila dapat gumawa ng mga aksyong lihis sa karaniwang nosyon ng pagkalalaki. Nilansag ng mga akda ang mababaw na pagtingin sa kasarian at lantarang paniniil sa mga fem at queer.
Ang himutok ng mga bakla sa nakaraan ay himutok pa rin naman ng mga bakla sa kasalukuyan, kaya krusiyal na makabuo ng mga akdang humaharaya, pumapalag sa sexual ghettoziation, at nakapag-aambag sa lalong pangangailangan ng progresibo o transgresibong panitikang bakla.

Salat at Iba Pang Kuwento ng mga Pagkapa sa Dilim

$9.00Price
Quantity
  • Kevin Harold L. Sa-an
  • All items are non returnable and non refundable

Choose Store Currency

bottom of page