“Mahirap ipanalo ang pagmamahal lalo na kung ako lang ang lumalaban.”
Minsan talaga kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kaniya. Aayusin ang sarili mo para lamang mapansin ka, Babaguhin mo ang lahat nang nakasanayan mo dahil ‘yon ang gusto niya, higit sa lahat ay kaya mong baliwalain ang mga desisyon mo maipakita lang sa kaniya kung gaano mo siya kamahal.
Dahil ganito ako. Nang dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya ay naging tanga na ako sa pag-ibig. Hindi ko na naisip pa ang maaaring maging kabayaran sa lahat ng pagkakamali ko. Naging bulag ako at sunod-sunuran para lang masuklian ang binibigay kong pagmamahal para sa kaniya.
Ako si Althea Gonzalez, at ito ang aking kwento.
Yohan Azores is a black card user. He’s one of the most famous billionaire in the world. An ultimate crush. Luxurious brand model, tall and handsome. Maraming celebrity girls ang nagkandadarapa sa angking kagwapuhan niya at isa na ako roon.
Sino ba naman ang hindi maghahabol sa kaniya, sa araw-araw kong paggising ay ang poster niya ang bumubungad sa akin. Minsan iniisip ko, kailan kaya siya mapupunta sa akin? Ilang beses ko na siyang nakikita sa personal dahil malapit lang ang bakeshop and cafe na pinagtatrabahuhan ko sa kaniyang kumpanyang pinaghaharian.
She’s dating the famous billionaire
- Marjorie Averion
- All items are non returnable and non refundable
