top of page
Tuluyan ng naglalaho sa aking mga mata ang luningning ng araw at kasabay sa paglisan ng liwanag ang siyang pagningning ng mga bituin sa marilim na kalangitan at siyang pagsulyap ng maliwanag na buwan sa aking mga mata na nagdala ng hiwaga, ng kuwento at ng pag-asa.
Ang �Takipsilim� ay isang aklat at isang koleksiyon ng mga tula at damdamin. Ang naturang titulo ay nagbibigay ng pagpapakahulugan patungkol sa kung paano nahabi ng may-akda ang bawat mga tula sa gitna ng liwanag at dilim.
Ito ay nahahati sa dalawang kabanata kabilang na ang �ang mga tala sa dilim� ito ay naglalaman ng mga tulang nagnanais magpahayag ng damdamin at paglalakbay kung saan sa kabila ng pagdilim ng kalangitan, may mga talang magniningning sa ating mga mata na magbibigay ng kaunting pag-asa. �ang himig ng gabi� ang pangalawang kabanata ay naglalaman ng iba�t-ibang mga tula na nagnanais maghatid ng kuwento patungkol sa pag-ibig at pighati. Ito ay nagnanais magbigay yakap sa bawat mambabasa patungkol sa kung paano nagiging mapanakit ang gabi at ang bawat himig ay nagpapa-alala ng bawat kahapon.
Kasabay sa paglisan ng araw ang siyang pagsapit ng dilim, at kasabay sa pagsulyap ng mga bituin, heto ako humahabi ng mga tula sa gitna ng �takipsilim.�

Takipsilim

$9.00Price
Quantity
  • Danilo Manuel Matias
  • All items are non returnable and non refundable

Choose Store Currency

bottom of page