Sa isang University ng Batangas ay mayroong nag-aaral na binatang ubod ang sama ng ugali. Siya ay walang iba kung hindi si Whyrhus Alcomendras na siyang kinamumuhian ng dalagang nagngangalang Maria Isabella Sarmiento. Magkaklase ang dalawa na bumubuo ng isang dosenang seksiyon sa paaralang License University. Si Whyrhus ay isang anak-mayaman. Tunay nga siyang gwapo, matangkad, matalino, at tila perpekto na sa kaniyang pisikal na kaanyoan na nagpahumaling ng iilang kababaehan sa likod ng kaniyang masamang kaugalian. Ang binata ay mayroong kakambal na hindi nito kailanman binigyan ng pagmamahal bilang kapatid niya mula noong sila ay mga bata pa lamang ngunit kahit ganoon ay hindi lumayo ang loob ng kakambal nito dahil patuloy siyang umaasa sa kapatid at pamilya na magiging maayos din sila pagdating ng panahon. Sa kabilang banda, ang dalagang si Maria Isabella o mas kilala bilang Bella ay ulila na sa ama. Isip-bata ang nasabing dalaga, minsan ay tatanda ang pag-iisip ngunit babalik na naman sa pagiging bata na tila ba mga biro ang kaniyang mga binibitawang salita para sa mga taong nasa nakririnig nito. Simpleng babaeng may kakayahang maging rason kung paano baguhin ang taong ayaw magbago. Unang pinagtagpo ang dalawa sa hindi magandang sitwasyon ngunit pinagtagpo nga ba talaga sila upang maging magkaaway lang? Nakatadhana lang din ba ang mga puso nilang pagkamuhi lamang ang mararamdaman? Lalong-lalo na ang binata? O mayroong magiging dahilan upang magbago ito at sabihing, �It�s not about how she changed my bad attitude but she gave me a reason to changed myself into good.�
The Girl Who Changed My Bad Attitude
SKU: 9789355971715
$13.00 Regular Price
$12.74Sale Price
- Binibining Bisaya
- a. Items are non refundable and cannot be cancelled once order is placed.