top of page
Matapos ang biglaan pagpanaw ng mga magulang ni Hazel ilang araw bago ang kanyang highschool graduation, nagprisinta ang pinsan ng kanyang ama at asawa nito na kupkupin siya at pag-aralin ng kolehiyo sa Maynila. Hindi nagdalawang isip si Hazel na sumama sa mga ito sa pag-asa na matutupad ang pangarap ng mga magulang para sa kanya. Ngunit pagdating ng Maynila, impiyerno at nagmistulang bangungot ang lahat para kay Hazel matapos ibenta ng mag-asawa sa isang sindikato kung saan pinapa-auction ng mga ito ang babae at nagtatago sa likod ng isang pekeng art gallery. Mula noon ay napilitan siyang magtrabaho bilang isang escort service. Sa paglipas ng taon nagawang matiis ni Hazel, una para sa ikaliligtas ng kanyang buhay, pangalawa para sa katuparan ng pangako niya sa mga magulang na makakapagtapos ng pag-aaral. 
        Nang mabigyan ng pagkakataon na makapag-aral, agad iyon sinunggaban ni Hazel. Sa kanyang huling taon sa kolehiyo nagtagpo ang landas nilang dalawa ni Lowell. Nakilala siya ng binata bilang isang ordinaryong dalaga na nag-aaral sa umaga at nagtatrabaho sa isang art gallery sa gabi. Hanggang sa naging malapit silang magkaibigan at kalaunan ay unti-unting nahulog ang loob nila sa isa�t isa at tuluyan umamin sa tunay na nararadaman. Ngunit isang gabi, sa club kung saan siya nagtatrabaho, tumambad sa kanya ang katotohanan na matagal na palang alam ni Lowell ang lihim niyang pagkatao.

The Last Bid

SKU: 9789357148887
$22.00Price
  • Juris Angela
  • All items are non returnable and non refundable
bottom of page