top of page

Para sa taong mahal ko, sana patuloy kang maging masaya, At kahit sa piling ng iba, ?di ako magsasawang sumuporta sayo. Para sa taong niloko ako, maraming salamat. Sa wakas, ako ay natuto. Huwag kang mag-alala; hindi masama ang loob ko, salamat, dahil ?di na ako muling magpapauto. Para sa taong nang-iwan, panigurado, ikaw ay may dahilan. Sana man lang ako ay iyong binalaan, at baka sakali, ito ay aking napaghandaan. Para sa taong naiwan, alam ko ang iyong nararamdaman, ?yan din ay aking naranasan, marami pang ibang darating, ito?y iyong tandaan. Para sa taong nagmamahal, at sa taong naghahanap ng pagmamahal. Para sa taong pilit lumilimot, sa kanyang nakaraang puno ng poot, para sa taong patuloy na nasasaktan, kapit lang; ito rin ay iyong malalampasan. Huwag kang susuko, narito ako, karamay mo. At sa pamamagitan ng mga tulang ito, puso?t damdamin niyo ay sana?y maantig ko Lahat ng mga isinulat, dito lamang maisisiwalat.

Tinta At Luha, Mga Tagalog Na Tula - Dust Jacket

SKU: DJAG15084143
$22.00Price
  • Paperback

bottom of page