top of page
Ang librong ito ay paunang paglilikom lang ng mga tula ng may-akda. Hinugot niya ang inspirasyon ng kanyang mga tula mula sa mga karanasan, pananaw, obserbasyon, at mga samu?t-saring  aral ng buhay. Nagsimula siyang magsulat mula sa murang edad na 17 hanggang sa ngayong may sarili ng pamilya sa edad na 37. 
Ang paglimbag ng kanyang mga tula ay isa sa kanyang matagal ng pangarap. Naniniwala siyang ito ang pinakamabisang paraan upang maibahagi ang kanyang mga panulat, hindi lang sa kasalukuyan ngunit para na rin sa hinaharap.
Bilang pagpupugay as kanyang lugar na kinalakihan, ang aklat na ito ay pinamagatang ?Unahi?, isang diyalektong Marindukanon na ang ibig sabihin sa Ingles ay ?go ahead?. Inuudyukan ng may-akda ang sinumang magbabasa na kung may nais silang makamit sa kanilang buhay, huwag ng mag-atubili at kumilos agad hanggat may oras at lakas pa.
Hindi katulad ng ibang aklat ng tula, isinalaysay din ng may-akda ang mga kwento sa likod ng kanyang mga tula. Ito ay upang lubusang maintindihan ng sinumang babasa ang kanyang damdamin at inspirasyon habang isinusulat ang mga ito.
Gusto mo bang malaman kung bakit hindi natuloy mag-Pari ang may-akda? O bakit nahihiya syang magtinda ng tinapay para may pambaon sa paaralan? Alam mo ba ang kanyang pananaw at pangarap bilang OFW? Ano kayang mga aral ang natutunan nya ngayong panahon ng Pandemya?
Ang lahat ng kikitain ng may-akda sa librong ito ay mapupunta sa kawanggawa at sa mga taong nangangailangan ng tulong.

Unahi Volume 1 - Dust Jacket

SKU: DJAG15083767
$20.00Price
  • Christopher Lope Malco